Kabihasnan sa South America
|
Inca |
Kasabay ng pamamayagpag ng Aztec sa Mesoamerica ang mga Inca na naging makapangyarihan sa gitna ng Andes sa South America.
Namana nila ang mga unang kabihasnang sumilang sa South America katulad ng Nazca (370 BCE - 450 BCE), Moche (100-700 BCE) at Chimu (1000-1470 BCE).
Imperyong Inca (1438-1532 BCE)
Ang mga Inca ang nakapagtatag ng pinakamakapangyarihang imperyo sa South America. Sila ay pinamunuan ng ambisyosong pinuno na si Pachachuti na prinsipe ng Cusco at mga karatig teritorryo.
|
Tulay na gawa sa lubid |
Nagpagawa din sila ng 10,000 milyang lansangan at mga nakabiting tulay na gawa sa lubid upang makarating sa iba't ibang bahagi ng bundok. Sila rin ay nagtalaga ng mga pangkat sa mananakbo na siyang naghahatid ng mga balita sa pamamagitan ng pagtakbo nang may 150 milya bawat araw. Sila ay mayroon ding sistema ng pagbilang na tinatawag nilang quipu na ginagamit na parang abacus. Ang mga Inca ay naniniwala na ang kanilang pangunahing diyos na si Viracocha ang gumawa ng araw at buwan. Ang hari ng Inca ay itinuturing na anak ng araw at ang reyna naman ay anak ng buwan.
|
Huaya Capac |
Naganap ang digmaang sibil sa imperyo matapos na sakupin nila ang kagubatan ng Amazon. Sa pangyayaring ito, namatay ang libo-libong kawal sa labanan at sakit.
Nang mamatay ang apo ni Pachacuti na si Huaya Capac noong 1525, nag-agawan sa trono ang kaniyang mga anak na sina Huascar at Atahualpa. Ito ay nagbigay daan sa paghina ng imperyo hanggang sakupin ni Francisco Pizzaro ang kaharian na pinamumunuan ng kahuli-hulihang hari ng mga Inca na si Atahualpa.
No comments:
Post a Comment