Tuesday, March 10, 2020

Unang Kabihasnan sa North America

Unang Kabihasnan sa North America

Anasazi
Sa United States lumitaw ag  iba't ibang uri ng kultura tulad ng Anasazi, Hopwell at Mississippians.
Ang mga Anasazi (100CE-1300CE) ay dating nanirahan sa lambak at bangin ng timog-kanluran ng America at pueblo o pamayanan sa kasalukuyang Utah, Arizona, Colorado at New Mexico noong 800 CE.

Katulad ng mga unang tao sa America, sila ay walang alagang kabayo o mule. Sila ay may kakayahang gumawa ng mga pader hanggang limang palapag at mga kagamitang gawa sa ceramics.

Lambak  ng Ohio
Ang kabihasnan ng Adena ay itinatag sa lambak ng Ohio noong 700 BCE. Nagtanim sila ng kalabasa at sunflower, at naumulot ng mga ligaw na halaman. Bukod dtio, sila ay may kakayahan na gumawa ng palayok, pulseras na yari sa tanso at iba pang palauti.

Ang kabihasnang Adena ay minana ng kabihasnang Hopwell. Isang hiwaga ang pagkamatay ng kanilang kabihasnan.

Ilog ng Mississippi
Ang mga Mississippian naman ang pangkat ng mga taong nainirahan malapit sa Ilog ng Mississipi.
Pinakaninabangan nila ang matabang lambak na tinaniman nila ng kalabasa, mais at bean.

Ang lungsod ng Cahokia sa Illinois ang naging pinakamalaking sentro ng kulturang Mississipian. Ayon sa mga arkeologo, maaring ang pagkawala sa kabihasnang Cahokia ay bunsod ng pakikidigma ng mga ito sa ibang tribo, kalamidad o pagdami ng populasyon.

No comments:

Post a Comment

Unang Kabihasnan sa North America

Unang Kabihasnan sa North America Anasazi Sa United States lumitaw ag  iba't ibang uri ng kultura tulad ng Anasazi, Hopwell at Mis...