Kabihasnan sa Mesoamerica
Olmec (1500-1600)
|
Hieroglyphics |
Habang namumuno si Tutankhamen sa Egypt, lumitaw ang kabihasnang Olem na tinaguriang . Lumitaw sa Mexico at naging kasama ng mga unang tao sa Monte Alba. Nakapagtatag ng organisadong lipunang urban na may kabuhayan, pamunuan, relihiyon, at sistema ng pagsulat. Itinuring sila na kauna-unahang kabihasnan sa Kanlurang Hemisphere na nagkaroon ng sistema ng pagsusulat na hie
roglyphics (pictorial form of writing).
"Mother of Civilization of Mesoamerica"
Noong 2002, natuklasan sa San Andres ang mga simbolo ng ibon at speech roll sa anyong glyphos na kahawig ng unang porma ng heiroglyphics.
|
Cascajal Block |
Noong 2006, natagpuan sa Cascajal block sa San Lorenzo ang 62 simbolo na nakaukit na nauna pa sa pre-Columbian writing. Ang mga gawaing panrelihiyon ay pinamumunuan ng mga pari at shaman na ang posisyon ay pawang minamana pa. Ang mga shaman ay itinututring na may kapangyarihan na manggamt at gumawa ng mahika. Ang mahalagang diyos ng mga Olmec ay ang Jaguar na kumakatawan sa pinakamapangyarihang puwersa at mga ninuno ng Nahual, ang hayop na malaki ang kaugnayan sa tao. Kapag namatay ang mga Jaguar, mamamatay din ang mga tao.
|
Olmec |
Ang mga Olmec ay kilalang dalubhasa sa pag-ukit nga mga jade. Mayroon din silang sistemang
numero na naka batay sa 20 at kalendaryong may kombinasyoon ng 364 na araw na mayroong 260 siklong ritwal.
Pinalitan ng mga Maya ang kabihasnang Olmec (300-900 CE). Nakapagtatag sila ng 80 malalayang lungsod sa Yucatan Peninsula at Guatamela. Naging makapangyarihan sila.
|
Pre-Columbian Maya Civilization |
Ang mga Maya ay tinaguriang
"Greeks of America" dahil sila ay naging isang maunlad na kabihasnan. Sunod naman nilinang ang sistema ng pagsasaka at irigasyon ng tubig at pagpapataas ng lupain upang hindi masira ang mga tanim kapag bumabaha. Sa tagal ng panahon, higit na lumaki ang populasyon ng mga Maya. Nag-umpisa na ang kanilang problema para sa pagkain. Tumaas din ang singil ng buwis kaya nauwi ito sa pag-aalsa at hindi pagkaksundo ng mga mamamayan. Sa pagkakataong ito, nasakop sila ng Toltec.
|
Toltec Empire |
Tinatag ng mga Aztec ang Tenochtitlan noong 1325. Nagawang palawakin ni Moctezuma I ang terioryo noong panahon ng kanyang pamumuno. Sa panahon naman ni Moctezuma II pinag-isa niya ang gitnang Mexico hanggang Golpo ng Pacific at Timog ng Guatamela. Natutunan ng mga Aztec na gumawa ng irigasyon at magtanim sa gilid ng mga bundok at burol. Isinagawa rin nila ang chimampa o artipisyal na latian na higit na kilala sa kasalukuyang panahon bilang floating garden. Nakapagtanim din sila ng mais, gulay, at iba pang produkto. Barter ang gamit ng mga Aztec sa pakikipagkalakalan. Ang barter ay tumutukoy sa paraang pagpapalitan ng produkto. Sila ay nangalakal din ng mga produktong handicraft tulad ng mga basket, tela, mga palamuting yari sa metal, alahas, goma, balat ng hayop at iba pa. Ang mga Aztec ay sumasamba sa mga diyos ng Kalikasan. Ang diyos nila ay kilala bilang Huitzilopochtli ang diyos ng araw. Karaniwan nilang isinasakripisyo ang kanilang mga bihag sa tuwing may magaganap ng digmaan.